Ito ang pinaka masayang taon sa buhay ko. Excited ako sa susunod na taon.. Kung ano pa ang mga surprises na ibibigay sa kin ng Panginoon. Masaya ako dahil finally ay napakinggan ko ang totoong panig ng Simbahang Katolika tungkol sa Salvation. Inaamin ko huli na ko ng magkaron ng spiritual awareness at di rin ganun kasipag mag hanap ng mga impormasyon para sa pag aaral. Ngunit nagpapasalamat ako dahil sa haba haba man ng akin pagsasaliksik, sa pagkalito, pagiging malungkot at desperado ay natutuwa akong wala naman palang mali sa aking nararamdaman at pagkakakilala sa Panginoon. Nang muling binalikan ko ang Diyos pinakilala Nya ang Kanyang sarili bilang mapagmahal at handang magpatawad kahit gaano pa kabigat ang iyong kasalanan. Kaya ako ay nalungkot ng aking nabasa na ang salvation ay sa loob lamang ng Simabahang Katolika. Pag ito ay ginagamit ng mga ibang relihiyon bilang sandata ay di na lang ako naimik dahil nabasa ko din ito. Sa kaibuturan ng aking puso, di ko maisip bakit naging ganun ang turo ng simbahan. Subalit sa aking pagkukumpara angat pa rin ang Simbahang Katolika sa pakikipag kapwa, pagiging totoo at mapagkumbaba. Nito lamang Disyembre ay nagtalo ang aking kalooban kung dadalo sa isang pagtitipon tungkol sa Katotohanan sa Simbahang Katolika o makikipag salo salo sa aking kaibigan dahil nga nalalapit na ang Kapaskuhan at nais kong kitain ang aking mga kaibigan at bigyan sila ng regalo. Natapos ang gabi ng may ngiti sa aking mga labi at nasambit kong buti na lamang at nakinig ako sa pagtitipon na yaon. Ang artikulo na aking naunang nabasa ay hango sa assumption na lahat ay narinig na ang mabuting balita dahil kalat na sa Europa ang Katolisismo at hindi nila alam na may iba pang lupain katulad ng Asya at Amerika. Sa kanilang paglalayag ay kanilang napag alamanan malaki pala ang mundo at di lahat ay kilala si Kristo. Duon ko nakumpirma na ang "mercy" ng Panginoon ay extended khit sa mga hindi Kristiyano. Nalubos ako sa galak at tama naman pala ang Diyos kong mapagmahal at lubos ang awa. He is mighty indeed! Ang salvation ay para sa lahat.. ang pagsasakripisyo ni Hesus ay para sa lahat.. walang pinipili, khit di man sya tanggapin. Subalit khit sino man ay di masasabing sya ay naligtas na dahil sa huli ang Diyos lamang ang nakakaalam sa huling paghahatol. Lubos man akong nagalak sa karunungan ito pero di pa rin mawaglit sa aking isipan ang lungkot na aking nadarama. Siguro nga ay kasama yon sa emosyon ng pagiging tao. Di kse ako nabigyan ng pagkakataon na lagi may kasama.. Oo lagi ako mag isa. Kaya sa munting pagsasalo salo o kaunting atensyon mula sa aking kapwa ay lubos na kong natutuwa. Tinatanong ko ang Diyos ano pa ba ang nais nyang matutunan ko. Dahil may pagkakataon sa lubos ng kalungkutan ng pag iisa ay nais ko ng hilingin na kunin na lng Nya ako. Tutal alam ko na rin naman ang kapasidad kong magmahal at napapakita ko na ito kahit di man ito bumalik sa akin. Nagpapasalamat din ako sa bawat dasal na aking nasasambit para sa aking kapwa na Kanyang dinidinig. Siguro nga patuloy akong maghihintay at iaasa sa Kanya na may mangyayari pa din magpapangiti sa akin. Daanan lang ang lungkot dahil bukas may bagong umaga at malay natin wala nang puwang para malumbay.